Naghahanap ang Department of Health (DOH) ng iba pang opsyon sa kung paano maibibigay ang ₱1 million death benefit sa pamilya ng ika-34 na health worker na namatay sa COVID-19.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang bagong medical professional na namatay sa COVID-19 ay isang barangay health worker sa Metro Manila.
Nakikipagtulungan na ang DOH sa iba pang ahensya ng pamahalaan na kayang magbigay ng benepisyo sa mga health workers na tinamaan ng sakit.
Nabatid na napaso ang Bayanihan to Heal as One Act nitong June 25 kung saan nakapaloob ang pagbibigay ng death benefits sa mga health workers na nasawi sa COVID-19 at ₱100,000 sa mga nagkaroon ng severe COVID-19 cases.
Bukod dito, ang mga public health workers ay mayroong COVID-19 special risk allowance bukod pa sa kanilang hazard pay.