DOH, naghahanda na sa gagawing panel interview kaugnay ng Russian vaccine na Sputnik V

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na plantsado na ang kanilang kasunduan sa Russian government kaugnay ng natuklasan ng nasabing bansa na anti-COVID vaccine na Sputnik V.

Ayon sa DOH, nagpadala na rin ang Russia ng mga detalye ng Phases 1 at 2 ng clinical trials ng bakuna.

Ang naturang mga detalye ay gagamitin ng vaccine experts panel ng Pilipinas sa kanilang gagawing review.


Una nang inihayag ng Russia na agad na sisimulan ang clinical trials ng kanilang bakuna sa Pilipinas at United Arab Emirates.

Target ng Russia na simulan ang mass production ng nasabing bakuna sa katapusan ng taong ito.

Samantala, kinumpirma ng DOH na isinasapinal na rin nila ang mga negotiation sa 16 na manufacturers ng iba pang bakuna para sa gagawing vaccine trials sa Pilipinas.

Facebook Comments