Pinaghahandaan na ng Department of Health (DOH) ang repatriation ng mga Pilipinong sakay ng naka-quarantine sa Japan na Diamond Princess.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, dadaan sa protocol ng DOH ang mga uuwing Pinoy repatriates partikular ang otomatikong labing-apat na araw na quarantine period pagdating sa bansa.
Aniya, susundin ng DOH ang mahigpit na infection control at quarantine procedures para matiyak ang kaligtasan ng repatriates at ng health workers na mangangalaga sa kanila sa quarantine facility.
Nakikipag-ugnayan na rin ang DOH sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan at mga lokal na pamahalaan para sa maayos na repatriation
Una na ring naglatag ang Japanese government ng disembarkation procedures sa pagtatapos ng quarantine period sa lahat ng sakay ng cruise ship.