DOH, naghihintay pa ng karagdagang ebidensya kung dapat bang gawing 3 doses ang bakuna kontra COVID-19

Naghihintay pa ang Department of Health (DOH) ng karagdagang ebidensya hinggil sa kung dapat bang magkaroon ng ikatlong shot ng COVID-19 vaccine para maprotektahan ang publiko laban sa virus.

Kasunod ito ng pahayag ni Pfizer Chief Executive Officer (CEO) Albert Bourla na kailangang mabakunahan pagkalipas ng 12 na buwan ang isang indibidwal na naturukan na ng dalawang dose ng bakuna.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, maghihintay muna ang DOH ng rekomendasyon ng World Health Organization (WHO) o ng anumang international health organization.


Sa ngayon aniya, paiiralin muna nila ang statuo quo.

Iginiit din ng Pfizer CEO ang posibilidad na pagsasagawa ng taunang pagbabakuna sa bawat indibidwal para manatiling protektado laban sa COVID-19.

Facebook Comments