Hinihintay pa ng Department of Health (DOH) ang pahayag ng World Health Organization (WHO) hinggil sa bagong COVID-19 variant na natukoy sa South Africa.
Ayon kay DOH Director Dr. Beverly Ho, magpupulong ang WHO at maaaring maglabas na sila ng pahayag ngayong araw o hanggang bukas, araw ng Sabado.
Una nang iniulat ng mga scientist sa South Africa na may multiple mutations ang B.1.1.529 na dahilan umano ng panibagong surge ng COVID-19 doon.
Sinabi naman Dr. Edsel Salvana, miyembro ng DOH-Technical Advisory Group na ang mataas na mutations ng virus ay hindi nangangahulugan na ang variant ay may mas mataas na transmissibility o resistensya sa mga bakuna.
Nagpaalala naman si Salvana sa publiko na mainam pa rin ang pagsunod sa mga minimum na health protocols na epektibong panlaban sa virus.