DOH, naglabas ng advisory sa mga residente malapit sa Bulkang Kanlaon

Naglabas ng abiso ang DOH para maprotektahan ang mga residenteng naninirahan malapit sa Bulkang Kanlaon.

Ito ay matapos na muling pumutok ang nasabing bulkan kagabi.

Pinapayuhan ng DOH ang mga apektadong residente na magsuot ng mask tulad ng N95 o di kaya ay basang tela.

Maaari kasing pumasok sa baga ang acidic aerosols na dala ng pagputok ng bulkang Kanlaon.

Ayon sa DOH,mapanganib sa mata at lalamunan ang abo ng bulkan.

Pinaiiwas din ang mga residente sa Permanent Danger Zone ng bulkan , isara ang mga pinto at bintana at uminom ng tubig.

Kailangan din maging alerto sa abiso ng PHIVOLCS o ng lokal naninirahan pamahalaan.

Facebook Comments