DOH, naglabas ng ‘memo’ na isinasama na ang positive saliva test results ng PH Red Cross sa COVID-19 official tally

Naglabas ang Department of Health (DOH) ng memorandum kung saan isinasama na ang positive saliva test results ng Philippine Red Cross sa national tally ng COVID-19 cases.

Ito ang sinabi ni PRC consultant at lead researcher Dr. Michael Tee sa isang interview kahapon, June 20.

Ayon kay Dr. Tee, ang saliva test results ng PRC ay isasama na sa national counting para sa COVID-19.


Aniya, inaprubahan ito mula pa noong Enero hanggang sa kasalukuyan.

Nagpapasalamat sila sa DOH para sa paglalabas ng bagong memorandum, kung saan pinapayagan ang mga local government units (LGUs) na gumamit ng saliva testing.

Ang mga LGUs ay kailangan lamang makipag-coordinate sa Red Cross at maaari silang magsagawa ng saliva collection para sa surveillance ng kanilang mga pasyente at ipadala ito sa PRC molecular laboratory.

Ang PRC ay nakapagsagawa na ng 365,000 saliva test mula noong Enero.

Facebook Comments