Naglabas ang Department of Health ng healthy handaan tips, ilang oras bago ang Noche Buena.
Ayon sa DOH, ito ay upang maging ligtas at masustansya ang mga lulutuing pagkain sa handaan mamayang gabi.
Kabilang sa tip ng DOH:
– Umiwas sa labis na matataba, maaalat at matatamis na pagkain
– Suriing mabuti ang bibilhing karne at isda upang makaiwas sa diarrhea at food poisoning
– Ihiwalay ang hilaw na karne sa iba pang pagkain sa refrigerator
Facebook Comments