DOH, naglabas ng P40-M tulong kasabay ng pagtaas ng dengue cases sa bansa

Nagpalabas na ang Department of Health (DOH) ng 40 million pesos na halaga ng tulong para sa tugunan ang tumataas ang kaso ng dengue sa bansa.

Sa unang pitong buwan ng taong 2019 ay umaabot na sa higit 16,000 ang kaso ng dengue kung saan 35 ang namatay nitong unang linggo ng hulyo.

Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III – ang financial assistance ay partikular mapupunta sa anim na lalawigan at siyudad sa Western Visayas.


Ang Iloilo Province at bayan ng Balete sa Aklan ay inilagay sa state of calamity dahil sa dengue outbreak.

Kasunod ang Calabarzon, Central Visayas, Soccsksargen at Northern Mindanao.

Mula June 30 hanggang July 6 ay nasa higit 5,000 dengue cases ang nadadagdag.

Sa ngayon, nasa 115,986 na ang kabuoang kaso ng dengue sa bansa.

Facebook Comments