DOH, naglabas ng paglilinaw kaugnay ng sunod-sunod na naitalang mataas ng kaso ng mga binawian ng buhay sa bansa dahil sa COVID-19

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang naitala nilang 864 na mga binawian ng buhay sa bansa nitong January 23 hanggang February 4 dahil sa COVID-19.

Nilinaw naman ng DOH na ilan dito ay noon pang March 2020 binawian ng buhay pero ngayon lamang na-forward sa kanila ang data.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, 74% sa mga binawian ng buhay ay noon pang March-October 2020 pero ngayon lamang nai-forward sa kanila ang record.


Ilan din aniya sa mga nakasama ngayong sa bilang ng deaths ay namatay sa virus noon pang July at August 2020 at ang ilang ay ngayong January 2021.

Facebook Comments