DOH, naglabas ng paglilinaw sa paggamit ng necklace air purifier kontra COVID-19

73

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi nila inirerekomenda ang pagsusuot ng necklace air purifier para maging pangontra sa COVID-19.

Kasunod ito ng lumabas na isang artikulo na nagsasabing ‘ok’ ang DOH sa paggamit ng naturang air purifier.


Paliwanag ng DOH, bagama’t walang nakikitang panganib sa pagsusuot nito, hindi pa rin sapat ang ebidensya para patunayang mabisa ito laban sa COVID-19.

Mas binibigyang anila ng importansya ng kagawaran ang mga minimum health standard tulad ng pagsusuot ng face mask, face shield, pagsunod sa social distancing at palagiang paghuhugas ng kamay.

Facebook Comments