Manila, Philippines – Nananawagan ang Department of Health sa mga Local Government Units na pangunahan ang pagpuksa sa mga lamok sa kanilang mga nasasakupan.
Ito ayon kay Health Secretary Paulyn Jean Rosell Ubial, ay dahil panahon na naman ng tag-ulan kung saan lumu- lobo na naman ang populasyon ng mga lamok, kaya’t tataas na naman ang kaso ng mga makakakuha ng Dengue, Chikungunya, Zika, idagdag pa aniya ang Japanese Encephalitis.
Nananawagan ang kalihim na ugaliin ang 4S habit.
1) Search and destroy o paghahanap at pagsira sa mga pinamumugaran ng lamok. Malaking tulong aniya kung mismong sa LGU manggagaling ang inisyatibo, at hikayatin ang mga nasasakupan nito na makiisa sa pagpuksa ng lamok.
2) Self- protection o pagsusuot ng mga mahahabang manggas at pantaloon.
3) Seek early consultation o agad na pagpapatingin sa doctor sa oras na makaramdam ng sintomas ng mosquito borne disease tulad ng lagnat sa loob ng 2 araw.
4) Say YES to fogging, o pagpayag sa pagsasagawa ng fogging sa oras na magkaroon na ng Dengue outbreak sa lugar.