Monday, February 2, 2026

DOH, naglagay na rin ng fast lanes sa mga ospital sa Albay

Naglagay na ng fast lanes ang Department of Health (DOH) sa mga ospital sa Albay para sa volcano-related emergencies.

Sa harap ito ng patuloy na banta ng Bulkang Mayon.

Nag-deploy na rin ng mga tauhan ang DOH mula sa Maynila.

Nagpadala na rin ng mga gamot, inuming tubig at COVID-19 testing kits para sa mga residenteng inilikas sa evacuation centers para sa posibleng pagkalat ng infection.

Naka-standby na rin ang medical team ng DOH mula sa Naga, Camarines Sur.

Facebook Comments