DOH, naglatag na ng hakbang para maabot ang target na 70% na mababakunahan sa Pilipinas

Naglatag na ng hakbang ang Department of Health (DOH) para maitaas ang bilang ng mga nababakunahan sa bansa at maabot ang target na 70% ng 77 milyong mga Pilipino na mabakunahan.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, kabilang dito ang pagtatakda ng arawang target na mababakunahan sa kada lalawigan, lungsod at bayan.

Makikita ang vaccination performance sa isang public dash-board na ilulunsad ng DOH sa mga susunod na araw.


Kasabay nito, tiniyak din ni Duque na sisiguruhin ng DOH na may sapat na suplay ng bakuna ang bawat lugar, gayundin ang ayuda upang maabot ang target na mababakunahan.

Facebook Comments