DOH, naglunsad ng breast cancer awareness campaign

Manila, Philippines – Bilang tugon sa ulat ng Philippine Breast Cancer Network na ang Pilipinas ay Breast Cancer sa Asya naglunsad ng Breast Cancer Awareness program ang DOH kasabay na rin sa International Breast Cancer Awareness Month ngayon buwan ng Oktubre.

Ayon sa DOH nababala ang ahensya sa ulat na isa sa bawat na na-diagnosed na may breast cancer ang namamatay sa loob ng 5 taon at hindi bababa sa 40 porsyenti ang namamatay sa loob ng 10 taon.

Paliwanag ng DOH mahalaga na maturuan ang publiko sa panganib na dulot ng breast cancer at dapat marunong mag self-breast examination ang lahat ng mga ina ng tahanan.


Paliwanag ng DOH bukol ang unang sintomas na dapat tingnan kung may nakakapa ng bukol ay agad ipasuri sa mga doktor.

Ang kanser ay madalas nagpapakita ng bukol na mag isa, matigas at walang kirot kayat obserbahan kung may utong ay may lumalabas na likido.

Giit ng DOH huwag balewalain dahil ang isa pang daanan ng pagkalat ng kanser ay sa mga ugat mismo kung kayat nariyan ang posibilidad na kumalat papunta sa atay, buto, utak at iba pang bahagi ng katawan.

Facebook Comments