DOH, naglunsad ng PAS sa San Lazaro Hospital para matutukan ang mga pasyenteng may HIV

Pinangunahan ni Department of Health (DOH) Sec. Ted Herbosa ang paglulunsad ng online Patient Appointment System (PAS) sa San Lazaro Hospital sa Maynila.

Sa pahayag ni Sec. Herbosa, ang nasabing sistema ay malaking tulong sa mga pasyenteng nagtutungo sa nasabing hospital lalo na ang mga may sakit na HIV.

Aniya, sa pamamagitan ng sistema na ito, makasisiguro ang mga HIV patient na hindi masasayang ang kanilang pagpunta sa San Lazaro Hospital dahil sila na mismo ang magtatakda ng oras at araw ng pagpunta sa ospital kung saan confidential ang kanilang impormasyon.

Sinabi pa ni Herbosa, wala nang dapat ikabahala ang mga naturang pasyente dahil secure o sigurado ang kanilang schedule ay mismong sila na rin ang maglalagay kung anong serbisyo ang nais nilang makuha.

Una nang inilunsad ang sistema sa Jose R. Reyes Memorial Medical Center at Dr. Jose Fabella Memorial Hospital king saan ang pagpaparehistro dito ay inaabot lamang ng dalawa hanggang tatlong minuto.

Facebook Comments