DOH, nagpa-alala sa publiko na huwag pumatol sa mga nagbebenta ng bakuna

Nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa publiko na huwag tatanggapin ang mga lumalapit na indibidwal para magbenta ng COVID-19 vaccines.

Iginiit ng DOH na libre ang bakuna kontra COVID-19.

Ang paalala ng DOH ay kasunod ng pagkaka-aresto ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isang nurse sa Maynila na nagbebenta ng 300 Sinovac vaccines sa halagang isang milyong piso.


Una nang nilinaw ng Manila City Government na hindi galing sa kanilang supply ang bakunang binebenta ng Alexis de Guzman ng Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC).

Hindi rin anila bahagi ng vaccination team ng Maynila ang naturang suspek.

Facebook Comments