
Nagpasalamat ang Department of Health (DOH) sa Department of Budget and Management (DBM) kasunod ng paglalabas ng higit P6.7 billion na pondo para sa balanse ng Health Emergency Allowance ng mga health workers.
Ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa, kapag nailabas ang Special Allotment Release Order (SARO) mula DBM, inaasahang agad ding mababayaran ng DOH ang mga pending claims.
Ganito rin aniya ang ginawa ng kagawaran noong nakaraang taon kung saan mahigit P121 billion ang nailabas ng DBM para sa iba’t ibang benepisyo at allowance ng health workers.
Kaugnay nito, nagpaalala ang DOH sa mga lokal na pamahalaan at sa mga pribadong ospital at klinika na tiyakin ang mabilis at maayos na pagbabayad sa mga kwalipikadong health workers oras na matanggap ang pondo.









