Manila, Philippines – Kasabay ng paggunita ng SemanaSanta, nagbabala ang Department of Health laban sa impeksyon at tetano namaaaring makuha sa pamamagitan ng pagpapa-pako at pagpepenitensya.
Paalala ni Health Secretary Paulyn Ubial, dapatsiguraduhing malinis o
“i-sterilize” ang gagamiting pako, latigo at iba pangmatatalim na bagay.
Mahalaga din na linisin ang sugat gamit ang malinis natubig at sabon o kaya’y magpabakuna ng anti-tetanus serum para maiwasan angimpeksyon.
Ayon kay Ubial, seryosong impeksyon ang tetanus dahil maariitong makaapekto sa utak at nervous system na maaring ikamatay ng isang tao.
Kabilang sa mga sintomas nito ay ang paninigas ng panga,diarrhea, lagnat, sakit ng ulo at pananakit ng lalamunan ng pito hanggangsampung araw.
Naging panata na ng mga pinoy na magpenitensya tuwing SemanaSanta bilang paghingi ng tawad sa mga kasalanan kabilang na dito ang paghampassa sarili, pagpasan at pagpapapako sa krus.
Pinayuhan din ng DOH ang mga deboto na makikiisa savisita Iglesia na tiyaking may dalang tubig para makaiwas sa dehydrationmatapos ang mahabang pamamanata.
DOH – nagpaalala naman sa mga nagpepenitensya
Facebook Comments