Nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa mga Local Government Units (LGU) na tiyaking nasusunod ang minimum health standards sa mga evacuation centers sa gitna ng pananalasa ng Bagyong Ambo.
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, dapat pa ring magkaroon ng sapat na layo o distansya ang bawat pamilya sa mga evacuation center.
Mahalaga ang mga ito para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Mungkahi ng DOH na gumamit ng tents sa evacuation centers para mahiwalay ang kada pamilya.
Facebook Comments