*Manila, Philippines – Muling pinaalalahanan ng Department of Health o DOH ang publiko na mag-ingat sa mga sakit na nakukuha sa panahon ng tag-ulan.*
*Ayon kay Health Assistant Secretary Dr. Eric Tayag, apat na uri ng sakit ang malimit na nakukuka sa panahon ng tag-ulan at mula sa baha.*
*Kabilang dito ang mga sakit na may acronym na “WILD” – o Waterborne Diseases, Influenza, Leptospirosis at Dengue.*
*Mahalaga aniyang mapanatili ang kalinisan para makaiwas sa mga nabanggit na sakit dahil hindi biro ang matamaan ng sakit sa mga panahong ito.*
Facebook Comments