DOH NAGPAALALA SA PAG-ALAGASA MENTAL HEALTH MATAPOS ANG UNDAS

Nagpaalala ang Department of Health (DOH) Region 1 sa publiko na bigyang-pansin ang kalusugang pangkaisipan, lalo na ngayong tapos na ang Undas kung kailan muling naaalala ng marami ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay.

Ayon sa DOH, normal lamang ang makaramdam ng matinding lungkot o pagdadalamhati matapos mawalan ng mahal sa buhay, at maaaring tumagal ito mula anim na buwan hanggang isang taon depende sa tao.

Paalala pa ng ahensya, mahalagang kilalanin ang mga ganitong damdamin at huwag itong sarilinin, dahil bahagi ito ng proseso ng paghilom.

Hinikayat din ng DOH ang publiko na humingi ng tulong o kausap kung kinakailangan. Maaaring tumawag sa NCMH Crisis Hotline 1553 kung nangangailangan ng makakausap na handang umalalay.

Facebook Comments