DOH, nagpaalala sa pag-inom ng alak para sa COVID-19 vaccination

Nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa publiko na iwasan ang pag-inom ng alak bago o pagkatapos tumanggap ng COVID-19 vaccine.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kapag uminom ng alak ang isang tao ay bumaba ang immunity nito.

Kaya para maging epektibo ang bakuna, dapat ay nasa maayos na kondisyon ang katawan ng taong bibigyan nito para makapag-develop ng antibodies.


Muli namang ipinaalala ng DOH na dapat pa ring sundin ang minimum health standards sa gitna ng health crisis, gaya ng pagsussuot ng face mask at face shield at social distancing para hindi tamaan ng COVID-19.

Facebook Comments