DOH, nagpaalala sa panganib na dulot ng paputok—ligal man o iligal

Nagpaalala ang Department of Health (DOH) na mapanganib ang paggamit ng paputok, ligal man o iligal.

Ito ay kasunod ng dalawang magkahiwalay na insidente kung saan dalawang bata ang nagtamo ng paso at naputulan ng daliri matapos masabugan ng paputok.

Ayon sa DOH, naputol ang hintuturo at hinlalaki ng isang walong taong gulang na bata matapos masabugan ng whistle bomb.

Samantala, dalawang daliri naman ang naputol sa isang 16-anyos na bata matapos masabugan ng five star.

Muling pinaalalahanan ng DOH ang publiko, lalo na ang mga magulang, na bantayan ang mga bata at iwasan ang paggamit ng anumang uri ng paputok upang maiwasan ang malulubhang pinsala.

Facebook Comments