Manila, Philippines – Dahil papalapit na ang summer, ngayon pa lang ay nagpaalala na ang Department of Health (DOH) sa publiko hinggil sa mga sakit na madalas umatake tuwing tag-init.
Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III – kadalasang umaatakeng sakit tuwing tag-init ay ang dehydration at heatstroke.
Kaya paalala ng kalihim, palaging uminom ng tubig dahil ito ang pinakamabisang panlaban kontra sa mga nabanggit na sakit.
Iwasan ding magbilad sa initan mula alas-10:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon.
Facebook Comments