Nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa mga indibiduwal na nakatanggap na ng unang dose ng COVID-19 vaccine na huwag lagpasan ang kanilang second shot.
Tatlo sa mga bakunang ginagamit sa Pilipinas ay nangangailangan ng second dose para maabot ang maximum protection laban sa COVID-19 – Ito ay ang AstraZeneca, Sinovac at Sputnik V.
Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, kabilang sa mga dahilan kung bakit nag-aalangan ang mga tao na magpaturok muli ng second dose dahil sa side effects.
Isa rin sa kanilang tinitingnan ay ang hirap sa pagkuha ng appointment para sa vaccination sa harap ng surge ng COVID-19 cases.
Ang mga COVID-19 patients na gumaling sa sakit ay hindi na kailangang maghintay ng 90-araw mula nang sila ay nagpositibo para makatanggap ng bakuna.