Nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa publiko na habang nagbabanta ang Bagyong Bising sa silangang bahagi ng bansa, dapat pa ring tiyaking nababawasan ang pagkalat ng COVID-19 lalo na sa evacuation centers.
Ang DOH ay naglabas ng guidelines para sa evacuation centers para tulungan ang mga tao na maghanda at mabawasan ang hawaan habang kumukubli sa public shelters.
Ang mga dapat gawin ng mga tao sa loob ng evacuation centers ay ang mga sumusunod:
– Palagiang paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig
– Gumamit ng alcohol kung walang sabon at tubig
– Magsuot ng face mask
– Takpan ang bibig kapag babahing at uubo
– Maghugas ng kamay kapag maghahanda ng pagkain
– Iwasang gumamit ng iisang bago at kubyertos
– Iwasan ding i-share ang personal items (gaya ng suklay, tuwalya, atbp.)
– Mayroon din dapat maayos na palikuran
– Mayroong maayos na laundry facilities
Bago pumasok sa evacuation center, ang mga bakwit ay dadaan sa screening para sa lagnat, rashes, open wounds, pagsusuka at pagtatae.