DOH, nagpaalala sa publiko ngayong nalalapit ang Semana Santa

Nagpapaalala ang dept of health sa publiko na hanggat maari ay iwasan munang lumabas sa darating na Semana Santa.

Sa harap ito ng itinuturing na alarming na kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon sa DOH, dapat ding tiyakin lagi ang sapat na bentilasyon sa mga pinupuntahang lugar o maging sa mga tahanan.


Ayon kay Dr. Beverly Ho ng DOH, lumalabas na karamihan sa mga nai-infect ngayon ng virus ay sa households kaya’t hanggat maaari ay dapat na pairalin ang minimum health standards kahit nasa loob ng bahay.

Dapat din aniyang mas pag-ibayuhin ang pag-iingat kapag may mga kasamang nakatatanda sa loob ng bahay.

Lumalabas din aniya na hindi safe kahit sa loob ng bahay at nagkakaroon aniya ng hawaan kahit sa mga tahanan.

Facebook Comments