Ipinaalam na ng Department of Health (DOH) sa World Health Organization (WHO) ang intensyong makakuha ng mga smallpox vaccines na gagamitin kontra Mpox.
Sa naging pahayag ni DOH Assistant Secretary Albert Domingo, lumalabas kasi sa pag-aaral na ang smallpox vaccines ay maaaring magbigay ng proteksyon upang hindi lumalala ang mga tinamaan ng Mpox.
Pero ayon kay Domingo, wala pang supply nito sa Pilipinas dahil karamihan ng bakuna ay ipinagkakaloob sa African countries na nagkakaroon ng outbreak ng naturang sakit.
Aniya, umaasa ang DOH na sakaling mamahagi muli ng smallpox vaccines ang WHO ay mabibigyan na tayo nito.
Plano naman gamitin ang mga cold chain facilities upang paglagakan ng nabanggit na bakuna upang hindi ito masira.
Facebook Comments