DOH, nagpadala na ng budget utilization report kay Sen. Pacquiao

Nakapagsumite na ang Department of Health (DOH) kay Senator Manny Pacquiao ng kanilang budget utilization report.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, mula sa ₱45.7 billion na natanggap ng DOH sa ilalim ng Bayanihan 1, ₱44.7 billion o 98% ang nagamit.

Mula sa nasabing halaga, ₱41.8 billion o 93% ang nai-disburse.


Nasa 87% o 15 billion pesos mula sa 17.2 billion na natanggap ng ahensya sa ilalim ng Bayanihan 2 ay nagamit, at 10.67 billion pesos ang nai-disburse.

Pinabulaanan din ni Duque ang alegasyon ni Pacquiao na DOH ay bumili ng rapid test kits.

Facebook Comments