DOH, nagpadala na ng nutritionist sa Marawi City

Marawi City – Nagpadala na ang Department of Health (DOH) ng mga nutritionist sa mga evacuation centers sa Marawi City.

Ayon kay Health Spokesperson, Assistant Sec. Eric Tayag – ito’y para masuri ang kalusugan ng mga bakwit.

Ilulunsad na rin ang mga community kitchen para sa mga lumikas na residente.


Nanawagan ang ahensya sa publiko para sa pagpapabuti ng kalusugan ng mga taga-Marawi.

Samantala bukod sa mga residente ng Marawi, patuloy ding binibigyan ng counselling ang mga biktima ng lindol sa Ormoc City.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments