DOH, nagpalabas ng advisory sa masamang epekto ng ashfall sa kalusugan ng tao

Nagpalabas ngayon ang Department of Health (DOH) ng paalala sa publiko laban sa posibleng masamang epekto sa kalusugan ng tao ng ashfall at sulfur dioxide mula sa Bulkang Taal.

Sa health advisory ng DOH, ang volcanic ash ay pwedeng makapagdulot ng irritation sa ilong at lalamunan, ubo, sintomas ng bronchitis, hirap sa paghinga, skin problems, pagkapuwing, at iba pa.

Sa interview ng RMN Manila kay DOH Spokesperson Usec. Maria Rosario Vergeire, pinaalalahanan nito ang publiko na manatili muna sa kanilang tahanan.


Aniya, kung kinakailangang lumabas ng bahay ay gumamit ng mga googles at face mask.

Facebook Comments