Pinaliwanag ng Department of Health (DOH) kung bakit bakuna pa lamang ng Pfizer ang maaaring magamit sa ngayon, para sa booster shot ng mga menor-de-edad, mula 12 hanggang 17 gulang sa bansa.
Sinabi ni Health Usec. Ma. Rosario Vergeire na sa pagbabakuna, kinukuha muna ng clearance o Emergency Use Authorization (EUA) mula sa Food and Drug Administration (FDA).
Sa ngayon aniya, ang kinakailangang authorization mula sa FDA ay ibinigay pa lamang sa Pfizer.
Ayon pa kay Vergeire, bagama’t may EUA din ang bakuna ng Moderna ay hindi naman aniya ito amended para sa mga edad 12 hanggang 17.
Nilinaw pa ni Vergeire na ang proseso ng pagbibigay ng EUA ay base sa siyensya at mga ebidensya, na masusing pinag-aaralan ng FDA.
Facebook Comments