DOH, nagpaliwanag kung bakit hindi pa pwede sa general public ang ikalawang booster shot laban sa COVID-19

Ipinaliwanag ni Department of Health (DOH) Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire na batay sa ebidensya at agham ang mga ginagawang desisyon at polisiya ng kanilang kagawaran.

Ito’y kasunod ng mga tanong kung bakit hindi pa maaaring turukan ng ikalawang booster shot laban sa COVID-19 ang general public.

Ayon kay Vergeire, ipinakikita ng ebidensya na ang pangalawang booster dose ay epektibo para sa vulnerable individuals tulad ng nakatatanda at persons with comorbidities.


Aniya, kung magagawa ng ahensya, ibibigay nila ang mga bakuna sa lahat upang maiwasan ang pag-aaksaya ng bakuna ngunit ang kanilang desisyon ay batay pa rin sa resulta ng mga pag-aaral at pagsusuri.

Pero giit ni Vergeire, hindi naman kailangan mag-alala ang publiko dahil nire-review ang mga ebidensya na patuloy na ginagawa DOH.

Matatandaan na nauna nang inihayag ng DOH na nasa 44 milyong COVID-19 vaccine doses ang nasayang simula 2021 pero may sapat pa naman na suplay para mabigyan ng booster shot ang publiko.

Facebook Comments