DOH, nagpaliwanag kung saan napunta ang dagdag na pondong nakuha nila

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na ang nakuhang dagdag na pondo ng DOH hospitals at iba pang implementing units ay ginagamit sa serbisyong medikal sa taongbayan.

Ayon kay Health Undersec. Leopoldo Vega, kabilang sa pinagkagastusan nito ang pagpapatayo ng mga pasilidad at pagbili ng mga mahahalagang gamit para sa implementing units.

Karamihan din aniya ng gastusing medikal ay sinagot ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth.


Nilinaw din ng DOH na naitama na nila ang maling report ng Department of Budget and Management (DBM) hinggil sa projected retained income para sa taong 2021 sa 98 implementing units.

Ayon sa DOH, P16.9 billion ang tamang figure at hindi ang P448 billion na naiulat ng DBM.

Facebook Comments