DOH, nagpaliwanag sa mga gamot na malapit nang mag-expire

Nagpaliwanag ang Department of Health (DOH) hinggil sa gamot na nakatengga sa kanilang warehouse na malapit nang mag-expire.

Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo – January 2018 pa lamang ay alam na ng kanilang tanggapan na malapit nang mag-expire ang kanilang gamot.

Tiniyak naman ng DOH na hindi na ito mauulit dahil nakatutok na sa procurement at distribution ng mga gamot at iba pang medical supplies.


Matatandaang tinawag ng Commission on Audit (COA) ang atensyon ng ahensya tungkol dito.

Facebook Comments