DOH, nagpaliwanag sa naging rekomendasyon ng IATF sa voluntary face mask

Nagpaliwanag ang Department of Health (DOH) hinggil sa naging rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na maging optional na lamang ang pagsusuot ng face mask sa labas ng tahanan

Iginiit ni DOH Officer-in-Charge Usec. Maria Rosario Vergiere, ang IATF Resolution ay rekomendasyon lamang na isinumite kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Nilinaw ni Vergeire na naninindigan ang DOH sa posisyon nito na dapat patuloy ang pagsusuot ng face mask.


Ito ay bagama’t may mga datos aniya na iprinisinta na naging dahilan sa pagpapalabas ng nasabing rekomendasyon.

Igiiniit din ni Vergeire na binabalanse ang usapin ng kalusugan at ekonomiya kaya naman ang naging kompromiso ay ang pagiging optional na pagsusuot ng face mask sa mga low risk na lugar, open areas at sa low risk na mga indibidwal.

Facebook Comments