DOH, nagpaliwanag sa pagdedeklara ng Alert Level sa mga lugar na may mataas na kaso ng COVID-19

Nagpaliwanag ang Department of Health (DOH) sa pagdedeklara nila ng Alert Levels sa mga lugar na alarming ang kaso ng COVID-19.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergiere, nasa krisis ang bansa at kailangan ng agarang tugon ng gobyerno.

Mayroon kasi aniya na mga lugar na tumataas ang mga kaso at hawaan pero mababa ang health care utilization rate.


Habang may mga lugar naman na mababa ang mga kaso ng hawaan pero halos punuan na ang COVID facilities.

Sinabi ni Vergeire na ang batayan ng pagtaas o pagbaba ng alert level ay ang kaso ng hawaan ng infection, health care utilization rate gayundin kung may tukoy ng Delta variant sa lugar.

Facebook Comments