DOH, nagpaliwanag sa pagka-expired ng mga binili nitong gamot

Sa budget hearing ng Senado ay ipinaliwanag ni Health Secretary Francisco Duque III na hindi maiwasan na abutan ng expiration ang mga gamot na binili at inimbak ng Department of Health (DOH).

Ayon kay Duque, minsan kasi ay hindi tumutugma ang bilang ng mga nagkakasakit sa dami ng iniimbak nilang gamot.

Ikinatwiran ni Duque na kailangan mag-overstock o pasobrahan ang binibiling gamot ng DOH para palaging may available kapag kinailangan.


Dagdag pa ni Duque, ang mga gamot ay parang insurance ibig sabihin kailangan palaging may gamot na magagamit kapag nagkasakit kesa naman magkasakit ang taong bayan ng walang maibibigay na gamot ang DOH.

Nilinaw din ni Duque na ang nakaimbak na gamot na inabutan ng expiration ay hindi kasing dami ng sinabi ng Commission on Audit (COA) na nagkakahalaga ng 2.2-billion pesos.

Ayon kay Duque, naipamahagi na ang karamihan sa mga gamot na tinutukoy sa report ng COA na sumakop mula January hanggang Decmber 2019.

Facebook Comments