DOH, nagpaliwanag sa pagkaudlot ng pagbubukas ng bagong quarantine facility sa New Clark City

Nagpaliwanag ang Department of Health (DOH) sa pagkakaudlot ng pagbubukas ng New Clark City-National Government Administration Center bilang karagdagang COVID-19 quarantine facility.

Ayon sa DOH, kailangan muna kasing bigyang-daan ang safety measures at ang isasagawang inspection sa pasilidad.

Layon, anila, nito na matiyak, aniya, ang kaligtasan ng mga pasyente at healthcare workers.


Una nang nadagdag sa quarantine facilities sa Gitnang Luzon ang ASEAN Convention Center sa Central Luzon na may 150 beds.

Patuloy din ang pag-convert ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilan pang mga bubuksang quarantine facilities.

Facebook Comments