DOH, nagpasaklolo na sa PRC para sa testing backlogs

Humingi ng tulong ang Department of Health (DOH) sa Philippine Red Cross (PRC) para sa 5,703 backlogs, dahil sa quarantine at pagkasira ng ilang equipment ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, dalawang testing machines ang kailangang ayusin para magamit sa pagdami ng mga samples na dumarating.

Nabatid na batay sa datos ng DOH nitong ika-13 ng Hulyo, mayroon nang kabuuang 13,457 na backlogs kung saan 5,703 dito ay nasa RITM.


Samantala, pabor si Pangulong Rodrigo Duterte na maglaan ng pondo ang pamahalaan para sa canvassing ng face mask.

Kasunod ito ng rekomendasyon ni Dr. Anthony Leachon na gawing libre ang face mask para sa lahat.

Ayon kay Leachon, maraming mahihirap na pamilya sa bansa ang walang perang pambili ng face mask, dahil nauubos ito sa pagbili ng pagkain.

Hindi rin aniya nila kagustuhan ang lumabag sa health protocols, dahil na rin sa hirap ng buhay.

Facebook Comments