Pansamantalang binago ng Department of Health (DOH) ang protocol nito sa pag-uulat ng mga kaso ng COVID-19.
Ito ay makaraang maitala kahapon ang 294 bagong kaso ng COVID-19, mababa kumpara sa tinatayang 800 new infections sa nakalipas na linggo.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, tanging 81% o 58 mula sa 72 lisensyadong laboratory sa bansa ang nakapagsumite ng listahan sa ahensya.
Sinabi rin ni Vergeire na binigyan ng mas mahabang oras ang Epidemiology Bureau para magsagawa ng pag-aanalisa sa mga inilalabas na datos.
Hindi pa tiyak ang DOH kung kailan magtatagal ang pagpapatupad ng pinaikling extraction time sa mga datos.
Sa ngayon, aabot na sa 38,805 ang kaso ng COVID-19 sa bansa, 10,673 ang gumaling at 1,274 ang namatay.
Facebook Comments