DOH, nagsasagawa ng micro planning session para mapataas pa ang COVID-19 vaccination rate

Magsasagawa ng micro planning session ang Department of Health (DOH) upang pataasin pa ang antas ng bakunahan kontra COVID-19 sa ilang mga lugar sa bansa.

Ayon kay DOH Usec. Myrna Cabotaje, nakapagsagawa na ng mga session sa Palawan at Masbate, habang on-going naman ang session sa Region 12 at naka-iskedyul sa susunod na linggo ang session sa Quezon Province at Negros.

Sa micro planning sessions, kasama sa tinitignan ng ahensya kung papaano ba ang pagbabakuna sa mga areas na mababa ang vaccination rate.


Samantala, sinabi rin ni Cabotaje na naging maganda ang resulta ng isinagawang special vaccination days sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) dahil tumaas naman ng bahagya ang vaccination rate ng rehiyon.

Facebook Comments