DOH, nagsimula na ng promotion campaign para sa implementasyon ng Smoking Ban

Manila, Philippines – Bilang paghahanda sa implementasyon ng Executive Order no. 26 o Nationwide Smoking Ban sa Linggo, nagsagawa ngayong umaga ng promotion campaign ang Department of Health sa Maynila.

Kabilang sa pinagdausan ng campaign ay ang Andres Bonifacio Elementary School, San Lazaro Hospital, SM San Lazaro at Jollibee sa Tayuman, Maynila kung saan nagkabit sila ng mga ‘No Smoking’ posters at nagpaalala sa publiko kaugnay sa smoking ban.

Sa pangunguna ni Health Assistant Secretary Eric Tayag, muli nilang pinaalalahanan ang publiko na wala nang magaganap na adjustment period, at ganap nang ipatutupad ang Smoking ban kung saan maaaring magmulta ang mga mahuhuling lalabag ng 500 hanggang 10 libong piso o pagkakakulong, o pagkasuspinde ng license to operate para sa mga pasaway na establishimento.


Umaasa ang DOH ng buong kooperation sa mga LGUs kabilang ang pagbuo ng mga ito ng Smoke Free Task Force na partikular na tututok sa mga lalabag sa smoking ban.

Kaugnay nito, inaasahan na umano ng DOH na madami ang titigil na sa paninigarilyo gaya noong 2012, kung saan nasa 1 milyong pilipino ang naitala ng ahensya na tumigil sa paninigarilyo matapos patawan ng mas mataas na buwis ang mga tobacco products,

Kaya naman ayon kay Tayag, makabubuting humingi ng tulong sa kanilang Quit Hotline 165 364, para sa mga nagnanais huminto na sa paninigarilyo.

Facebook Comments