Nagsimula nang mag-imbak ang Department of Health (DOH) ng oxygen supply bilang paghahanda sa posibleng surge ng COVID-19 cases dahil sa Delta variant.
Sabi ni Health Secretary Francisco Duque III, nakita nila ang nangyaring surge sa India dahil sa bagong variant at nag-iwan ng maraming bilang ng pasyenteng nangangailangan ng oxygen.
“Noon pang nag-surge ang India, we already considered that if this happens to us, we will have to now prepare for the oxygen supply, so that we will not lose lives. Kasi nangyari sa India, they lost a lot of lives kasi nga kinulang ng Oxygen supply,” sabi ni Duque.
Sinabi naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nagsagawa na sila ng imbentaryo sa iba’t ibang ospital sa bansa para alamin kung sapat ang supply ng kanilang oxygen.
Ang DOH ay nakikipag-coordinate na sa local government units (LGUs) para sa stockpile ng oxygen supply.