Nagtalaga na ang Department of Health (DOH) ng tatlong pagamutan sa bansa na magsasagawa ng clinical testing sa Japanese-made drug na Avigan na posibleng gamot kontra COVID-19.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kinabibilangan ito ng Sta. Ana Hospital, Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital at Quirino Memorial Center sa Metro Manila.
Inaasahang agad na sisimulan ang mga clinical trial sakaling walang maging problema sa protocols ng ethics review.
Una ng inilaan ng gobyerno ang ₱18 million na pondo para sa clinical trials para sa gamot na Avigan.
Nabatid na kukuha ang DOH ng 100 pasyente para sa nasabing trial.
Facebook Comments