Nagtalaga ang Department of Health ng pitong subnational laboratories sa mga piling rehiyon sa buong bansa.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, bahagi ito ng pagsisikap na pahusayin ang kapasidad ng bansa sa pagtuklas ng mga sakit na kayang mapigilan ng bakuna.
Kabilang sa itinalagang pitong subnational laboratories ay ang:
Ilocos Training and Regional Medical Center
Jose B. Lingad Memorial Regional Hospital
Western Visayas Medical Center
Vicente Sotto Memorial Medical Center
Zamboanga Medical Center
Southern Philippines Medical Center
Cotabato Medical Center
Tiniyak naman ni Vergeire na magbibigay ang kagawaran ng karagdagang kagamitan at suplay sa nasabing mga ospital bukod pa sa tulong na ibibigay ng World Health Organization (WHO).