DOH, nais na ilipat sa kanilang pamamahala ang usaping pangkalusugan sa ilang syudad

Iginiit ni Health Secretary Francisco Duque III na baka napapanahon na para ibalik sa kanilang departamento ang mga health services sa lungsod.

Ayon kay Duque, ang mga mauunlad na lungsod ay hindi na kailangan pang ibalik ang serbisyong pangkalusugan sa kanila kung saan tinukoy nito ang ilang syudad na hirap o mahina ang pagbibigay ng health services.

Nais din ni Duque na ma-amyemdahan na ang Local Government Code partikilar sa usapin ng kalusugan upang matugunan ang pangangailangan ng publiko lalo na ngayon na nauuso ang iba’t ibang sakit.


Facebook Comments