Iginiit ng Department of Health (DOH) na kailangang paigitingin ang contract tracing activities sa harap ng pagtaas ng COVID-19 cases sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, dapat lamang na palakasin ang contact tracing dahil importanteng hakbang ito para matigil ang transmission.
Kailangan aniyang maputol ang ‘transmission chains’ at clustering ng mga kaso.
Tinukoy rin ni Duque ang apat na siyudad sa Metro Manila na kailangan ng mas maraming contact tracers.
Dapat matukoy ang mga na-expose sa virus lalo na sa Pasay, Malabon, Navotas, at Makati.
Dagdag pa ni Duque, mayroon ding steady increase ng mga kaso sa CALABARZON, Central Luzon at Central Visayas at sa National Capital Region (NCR) kung saan mayroong dalawang linggong growth rate.
Pinaiigting din ni Duque sa NCR mayors ang prevention, detection, isolation at treatment response.