Manila, Philippines – Isang linggo bago ang pagsalubong ng bagong taon, inalerto ng Department of Health (DOH) ang lahat ng pampublikong ospital sa buong bansa.
Sa ilalim ng code white, naka-standby ang buong puwersa ng mga medical personnel kasama na ang mga hindi naka-duty para rumesponde sakaling kailanganin.
Sa ngayon, umabot na sa pito ang bilang ng mga nabiktma ng paputok mula nang simulan ng DOH ang tally nila noong December 21.
Pero ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, mas mababa ito ng 40 hanggang 45 percent kumpara sa bilang ng firecrackers-related injury sa kaparehong panahon noong 2017.
Gayunman, paulit-ulit ang panawagan ng DOH na huwag gumamit ng paputok sa halip ay tangkilin ang mga community fireworks display.
Facebook Comments